Ang mga Multo ni Rizal

February 19, 2009

Para sa mga bata, si Rizal ay ang bayaning binaril sa Bagumbayan. Ilang beses pa ba itong kailangan ulit-ulit sa eskwelahan, na tila tinutuya at pinagtatawanan na lamang ang kamatayan?

Para sa mga bata, si Rizal ay ang bayaning binaril sa Bagumbayan. Ilang beses pa ba itong kailangan ulit-ulit sa eskwelahan, na tila tinutuya at pinagtatawanan na lamang ang kamatayan?

Sino ba ang hindi nakakakilala sa Pilipinas kay Jose Rizal? Dahil sa success ng pananaklaw ng mga institusyong kultural ay naging matagumpay ang transplantasyon ng imahe ni Rizal sa isip ng mga bata at maging matatanda. Kumbaga, si Rizal ang ultimate na matinee idol. Makikita ito kung paano kumalat ang “chismis” ukol kay Rizal. Si Rizal daw ay:

1. Babaero.

2. Madaming chicks.

3. Magaling sa chicks.

4. Swabeng manliligaw, atbp.

Ngayon, bukod sa ilang impormasyon na ito ay may ilan pang matatandaan tungkol kay Rizal, tulad ng:

1. Sinulat niya ang Noli at Fili

2. Binaril siya sa Bagumbayan.

3. Ayaw sa kanya ng mga prayle.

4. Sa Europa siya naglagalag.

Nakakaaliw na rin sigurong tandaan ang mga bagay na ito; at hindi na rin kasalanan ng mga guro kung bakit dito lamang nakakulong ang nalalaman tungkol sa misteryosong si Jose Rizal. Sa isang banda, may pili-piling lugar sa akademya na “sacred cow” si Rizal. Kumbaga, siya ang estatwa ng Buddha at ang mga manunulat ang mga nagbabantay sa kung ano ang sinasabi tungkol sa kanya. May ilang nagsasabing siya na ang pinakamagaling na manunulat ng nobela- at lahat ng nobela ay dapat mag-nais na mapalapit sa naging achievement ng Noli me tangere at El Filibusterismo.

Sa dami ng naisulat tungkol kay Rizal (na aminin na natin, wala naman nagbabasa kundi ang ilang mga akademiko rin) ay pwede na nating sabihin, sa wakas, dalawa, tatlo, apat o isang libong beses nang pinatay si Rizal. Pinatay si Rizal sa National Historical Institute, sa silid ng mga historyador, sa silid ng kung sinu-sinong nagpapanggap na mga eksperto sa isang taong napakatagal nang patay.

Si Rizal ay hindi na tao na nabuhay, nagmahal, sumulat at nasaktan ng kolonyalismo. Siya ay isang monumento.

Si Rizal ay hindi na tao na nabuhay, nagmahal, sumulat at nasaktan ng kolonyalismo. Siya ay isang monumento.

Si Arnold Molina Azurin, may isang kwento tungkol sa kanyang sariling pagtuturo kay Rizal sa mga estudyante. Sabi niya:

“Tinanong ko sa mga estudyante ko, what do you think Rizal will do if he were alive today?”

Ang retorikal na tanong ay binasag ni Azurin. Kasi, naaasar siya sa mga ganitong klaseng tanong.

“Absolutely nothing! If Rizal were alive today, he would be so old, so senile that nothing political could possibly bother his mind!”

Alam ko, medyo bad joke yun. Pero may punto naman si Arnold Azurin. Ano pa nga ba ang saysay ng pagtatanong kung ano ang posibleng ginawa ng isang tao, bilang siya pagkatapos ng mahigit isang daaang taong pagkamatay? Wala. Masakit man isipin, ngunit maraming mga manunulat ng kasaysayan na gumagawa lamang ng pangalan para sa sarili nila bilang mga Rizal scholar. Dahil mukhang maganda ang kanilang output ay tinatanggap naman itong malugod ng mga mambabasa.

Napakadelikado ng ganitong gawain.

Una sa lahat, nagiging katanggap-tanggap lamang ang sinasabi ng isang eksperto kapag ang kanyang diskurso ay imitasyon o manipulasyon lamang ng mga bagay na nariyan na. Madalas, habang lumalapit sa katotohanan, nawawala ang mysticism o ang elemento na nagbubuo kung ano ba ang isang Rizal sa lipunang Pilipino: isang monumento.

Isang halimbawa na lamang diyan, hindi madaling sabihin ng direkta ng mga historyador sa maraming tao na si Rizal ay maaari ngang may sentimentong anarkista, o nagnais siya ng rebolusyon. Ang pwede lang nilang sabihin, nag-nais siya ng kapayapaan, o nag-nais siya ng ibang uri ng pagbabago. Totoo man ito o hindi ay hindi na rin mahalaga- dahil hindi na natin makita si Rizal sa dami ng nagsasabi na ito siya o iyan sya. Ang mga nakikita na lamang natin, mga multo ni Rizal.

Napakaraming multo ni Rizal- mga multo na pang-aliw sa mga estudyante sa elementarya, mga multo na pang-aliw sa mga estudyante sa kolehiyo, mga multo na pang-aliw sa mga akademikong naghahabol ng promotion o grant. Kanya-kanyang multo, kanya-kanyang pantasya.

sa maraming tao, si Rizal ay isa na lamang mukha na sandaling nakikita sa pisong unti-unti nang nawawalan ng halaga.

sa maraming tao, si Rizal ay isa na lamang mukha na sandaling nakikita sa pisong unti-unti nang nawawalan ng halaga.

Sa pag-aaral man ng lipunan ay ganito rin. Ang pinakamahuhusay na mag-aaral ng lipunan ang may pinakawalawak na imahinasyon. Ni hindi nila ito kailangang itago- dahil alam naman nilang madalas ay kalahati or less lang ang masasabi nilang “malamang sa hindi ito siguro ang nangyari”. Ano ngayon ang bumuo sa isinulat? Hindi naman kasinungalingan. Pero hindi yun ang totoong totoo, hindi natin masasabing kasing-totoo ng sakit na dulot ng gutom, o sakit na dulot ng pagsira ng isang pamilya. Bakit natin sila binabasa?

Nagnanais tayo na magkaroon ng karanasan- ibang pananaw sa buhay na baka magpagaan sa pasanin na tinatawag nating buhay. Madalas, malaki ang kapalit ng tunay na karanasan. Ang mamatayan ng magulang, ang mawalan ng bahay sa sunog, ang mawalan ng lupang tinataniman ng bumubuhay sa anim na anak, ang mawalan ng trabaho dahil wala kang degree. Bilang manunulat ay interisanteng malaman kung ano nga ba ang nangyayari kapag nangyari na sa “tunay na buhay” ang mga bagay na ito. Pero sabi ko nga, mabigat ang kapalit. Kaya patuloy nating sinusubukang gabayan ang paglilinaw at pagbubuo ng mga ideya gamit ang mga tools na nasa paligid- mga babasahin, mga pelikula, musika, mga akda ng mga poeta at iba pang mga produktong kultural.

Ganyan din siguro ang nangyari kay Rizal. Imposible namang inubos niya ang oras niya sa paghahagilap daan-daang iba’t ibang uri ng karansan- ang pagkain ng mga manunulat at makata. Kung ginawa niya yon, baka hindi na niya natapos ang mga nobela. Sapat na ang hirap na dinanas niya sa labas ng bansa upang masindihan ang kanyang kakayahang magsulat. Ngunit hindi rin naman ito lang ang dahilan ng kanyang pagsusulat.

Bakit mahalaga ang politikal? At bakit madalas itong iniiwasan?

Sa unang pagtingin, ang politikal na pamumuhay ay masakit sa isip, sa damdamin. Dahil dito natin makikita na ang buhay ng tao ay nakakadena, at tulad ng isang alagang hayop (manok na pangsabong?) ay ilang hakbang lang ang pwede. Ang kawalan ng kakayahan ng tao na tunay na lumipad, lumipad at magsimulang tunay na mabuhay sa ibabaw ng lupa ang nagtutulak sa marami upang gamitin na lamang muna ang kanilang kaisipan. At madalas, ang isinaisip ay nagiging realidad- kung ang pantasya ay nagiging kolektibong hangarin.

Ang pantasya ay hindi mababaw na konsepto. Hindi pantasya na, alam mo na. Ang tinatawag na fantasy-production ay nagmula sa mga sakripisyo ng tao sa ngalan ng sibilisasyon. Yan ang sabi ni uncle Freud. Pero sabi rin niya, may hangganan ang lahat: “A civilization that demands too much sacrifices from its members for the sake of its mere existence, neither has the chance, nor deserves to survive.”

Kung may paghihirap, may nagpapasarap.

Masyadong masagana ang mundo, at masyadong mahusay ang tao para lamang sabihing katamaran lang o malas lang ang dahilan ng gutom o kahirapan. Kung may paghihirap, may nagpapasarap. At darating ang araw na kakalimutan na nga mga tao ang mga multo ni Rizal, at ang mga multo ni Bonifacio at ni Barack Obama para sa wakas! Sa wakas ay kumilos na para sa isang malawakang transpormasyon ng lipunan- mula sa ibaba, kasabay ng pagbabago, pagwasak at pagbuo ng mas makataong istrukturang panlipunan.

Ito ang dasal ng mga taong nakatali sa putikan- habang nakatingin sa lumulubog na araw. Isang pangako sa hangin- na ipinapangako at ipinapangarap dahil balang araw, hindi na lang ito pangarap, kundi katotohanan at realidad.

About these ads

8 Responses to “Ang mga Multo ni Rizal”

  1. E.P said

    nabasa mo na ba yung watchmen ni moore? parang ganun din ang moda nya eh, disillusionment tas deconstruction. hehe. wala lang, weird na rev lit ang comics.

    nga pala, piling pulang pelikula, marso 2, up film insti, 10am, 2pm, at 4pm.

  2. E.P. said

    anu?! may watchmen kang scans?! eh anu pa inaantay mo?! e-mail mo na sakin yan!!

    (hehe! sensya sa exclamations, para lang may sense of urgency!) :)

  3. culturalcritic said

    this week. paki-remind po ako ulit sa Martes. :)nasa isang computer pa kasi. :)

  4. it seems na masyado mong hinahangaan si rizal. ganon din naman ako pero my pagdududa ako kung mas karapatdapat sya as national hero kesa kay bonifacio.nabasa mo na ba ang veneration without understanding ni renato constantino?it contains some info n prang mas karapat dapat si bonifacio as national hero…base sa pagkakatanda ko, ilan ito sa mga yun.. kaya daw hindi tinanggap ni rizal ang alok ni bonifacio to lead the katipunan ay dahil ayaw nyang isapalaran and status nya as ilustrado…hindi nya naiintindihan ang mga mahihirap na tulad ni bonifacio dahil hindi naman sya mahirap..another reason is hindi nya gustong magkaroon ng indipendence ang pilipinas. in fact, gusto nyang maging province ng spain ang philippines.ibig sabihin gusto nyang maging maS malapit ang pinas at spain.kontra yun sa hangad ni bonifacio na paglaya ng pilipinas.. anong masasabi mo? any violent reaction? sir, i don’t want to hurt your feelings. i just like to share some information..i’ll wait for your message…

    • culturalcritic said

      Hi Danica,

      Kung ang magiging basehan natin ay kung sino ang mas malapit sa bayan at sa mga immediate na mga pangangailangan nito noong panahon ng mga Kastila ay masasabing si Bonifacio nga at hindi si Rizal ang dapat tingnan bilang representatibong elemento ng buong bayan.

      Pasensya na, hindi kasi ako naniniwala sa mga institutionalized na bersyon ng mga bayani. Ang terminong bayani mismo kasi ay may mga nakatagling mga politikal na presuposisyon na hindi maihihiwalay sa represibong estado. Ang pag-gamit sa mga imahe ni Rizal ay may gamit, may ibig sabihin at may pakinabang sa mga taong nasa poder. Ngunit hindi rin naman natin masasabi na ang mga taong nagcha-champion sa imahe ni Bonifacio ay tama rin naman ang teoritisasyon, anggulo o perspektibo.

      Sa historyograpiyang Pilipino ay may isang tinatawag na movement na Pantayong Pananaw. Mayroon silang dikotomiya, kung saan ang mga Propagandista ay inilulugar sa labas ng “bayan” at sila Bonifacio naman ay inilulugar sa “bayan”. Masarap pakinggan, pero ang mga nagsasalita pa rin naman ay mga ilustradong ipinagkaiba lamang sa ibang mga miyembro ng akademya ay nananagalog sila palagi. Ano sa tingin mo? Salamat sa pagbisita sa sayt!

  5. E.P said

    may naisulat ka na ba tungkol dito sa pantayong pananaw? gusto ko sanang maintindihan pa, parang nakakaloko kasi yung pan’tayo’ na tag. parang inclusive ang dating pero mula sa maikli’t malaman na paliwanag mo’y parang nangpapain lang ang imahe ng inclusivity.

    • culturalcritic said

      Hi tol,

      Pakibasa yung naisulat kong maigsing critique tungkol sa Pantayong Pananaw. Google mo lang yung name ko, lalabas yung paper sa site ni Michael “Xiao” Chua, na dating junior faculty sa UP dept. of history bago nagkaroon ng purging ng mga adherents ng PtP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: