Politika, Politika Sabi ng Propeta

February 11, 2009

Realpolitik

Sabi nga ni mareng Spivak, “We cannot talk about “politics”- because we are in politics.” Simple lang naman ang punto ng kritik na ito- hindi mo pwedeng talikuran ang politika. Kasi nga, ang pamumuhay mismo ay politikal. Ang buhay ng tao, sabi ni pareng Agamben ay nagkakakulay ng zoe o isang uri ng dedicated o specific na pamumuhay dahil na rin sa pag-gamit ng wika at ang pagkakaroon ng isang sovereignity. Ang soberanya ang pinagmumulan ng iba’t ibang klase ng kapangyarihan- at ang pokus ng soberanya ay ang subject o ang mga indibidwal mismo. Madali namang makita sa ating paligid ang mekanismo ng sovereignity. Ang problema lang, madalas ay hindi na makita ng mga tao na ang mga pinaka-ordinaryong bagay ay bahagi pa rin ng mekanismo ng pagkokontrol sa mga antagonismo at kontradiksyon ng mga uri sa lipunan.

si mareng Spivak

si mareng Spivak

Sabi ng propeta

Ayon kay Thomas Friedman, isang kolumnista ng New York Times at isang self-proclaimed na propeta ng neoliberalism sa Estados Unidos, ang mundo daw ay naging patag na dahil sa globalisasyon. Naging paborito ko ang topic ng globalisasyon dahil sa isang debate na lumabas sa isang journal noon tungkol sa globalisasyon. Ang mga tauhan sa debate ay si Thomas Friedman at si Ignacio Ramonet, isang journalist ng Le Monde Diplomatique. Simple lang naman ang punto ng propeta ng neoliberalism: dahil sa natapos na ang Cold War, ang globalisasyon naman ang sistemang pumalit dito. Ang globalisasyon ay hindi nakabase sa ideolohiya ang lakas, ngunit sa produksyon. At dahil na rin sa Internet at iba’t ibang uri ng transportasyon ng mga commodity, ang McDo at Sony ay parating nariyan para paligayahin ka.

Nang matapos ang mahabang panimula ni Thomas Friedman, simple lang ang naging tugon ni Ignacio Ramonet:

  1. Una, ani ni Ramonet, alam ng lahat ng tao na mula pa noong huling dekada ay globalisasyon na ang dominanteng sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo. Hindi hinintay ng mundo na madiskubre ni Thomas Friedman na may globalisasyon na pala.
  2. Ikalawa, hindi pwedeng pagtabihin at pagpalit-palitin ang “sistema” ng Cold War at sistema ng globalisasyon, na parang isang hamburger at Coke na magkatabi sa lamesa.
  3. Ikatlo, dumami ang namamatay dahil sa gutom ng dahil sa globalisasyon.

Taliwas sa sinasabi ng mga report ng World Bank na tumaas ang literacy rate, bumaba ang child labor rate at tumaas ang mortality rate ng mga tao ng dahil sa globalisasyon, ang katotohanan ay tuluyan nang naghirap ang mga nation-state dahil sa konpigurasyong pang-ekonomiya na it. Simple lang naman kasi ang nangyari- dahil naging export-oriented na ang mga industriya, nagkaroon ng massive global migration. Ang mga taong lumipad sa Middle East noon, halos namamalimos lang naman sa mga bansang OPEC. Ang bansa naman natin, walang industriya talaga. Pseudo-industry lang ang meron tayo, at puro electric fan, air con at pansit kanton lang kaya nating gawin. Idagdag mo pa dito ang mga structural adjustments ng peso vs. dollar at makikita mo na talagang sobrang fucked ng economic policies natin.

We’re all living in America/It’s wonderful/It’s Wonder Bra

I-type mo sa Youtube ang “Rammstein-Amerika” at makikita mo ang isang lalaking sumasamba sa mga oil refinery sa disyerto. Bukod pa dito, may isang matabang Santa Claus na nagkakandong ng mga batang mula Africa. Napakasaklap, pero totoong too ang nangyayaring ito. Sa literatura, ang tawag namin dito ay McDonalization, pero isang termino lamang ito na maaari o di maaaring gamitin sa iba’t ibang sitwasyon, o mga text.

Ang McDonalization ay ang pagkalat at paghahari ng kulturang consumerist mula sa Estados Unidos. Homogenizing ang epekto nito sa mga kultura. Dahil nagiging dominante, nabubura o tuluyang nababago ang wika, paraan ng pamumuhay at pag-iisip. Tama ang mga masasamang biro noong nineties tungkol sa MTV- gusto nga tayong kontrolin ng hinayupak na music channel na ito. Sa Europa, nagagalit na rin ang marami dahil pati ang mga kabataan sa ilang bansa doon ay nagiging Americanized na. Ayon kay Thomas Friedman, hindi na daw ito mapipigil. Pero, hindi rin daw niya alam kung ano mangyayari.

Naisip ko lang, walang pakialam si Friedman kasi… Amerikano na siya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: