Rebyu: Slumdog Millionaire

February 25, 2009

Slumdog Millionaire

Slumdog Millionaire

Isa ang Slumdog Millionaire sa mga pelikulang namakyaw ng awards sa nakaraang Oscars. Bukod sa mga napanalunan sa BAFTA awards at ilang award giving bodies ay nanalo ito sa Best Achievement in Cinematography, Best Achievement in Directing, Best Achievement in Editing, Best Achievement in Music Written for Motion Pictures, Original Score, atbp. Sa ilang mga pira-pirasong video footage ay mukhang maligaya naman ang mga batang gumanap sa pelikula. Kumbaga, made ka na bilang artist kung nagawaran na ang iyong pinaghirapan ng Oscar.

Sa isang banda, masasabi rin naman na maganda ang kinalabasan ng pelikulang ito, na ang direktor ay si Danny Boyle. Marami ang nagra-rave sa cinematography at ang selektibong pag-gamit ng iba’t ibang tematiko para maibigkis ang pira-pirasong kwento na nagbigay ng kahulugan sa bawat tanong sa “slumdog” na si Dev Patel.

Ilang detalye

Ang pelikula ay umiikot sa buhay ng magkapatid na si Jamal Malik at si Salim Malik. Tulad ng aasahan sa pangalan pa lamang ng pelikula, tungkol ulit ang pelikulang ito sa kahirapan. Mahahambing sa Cidade de Deus ang ilang elemento sa Slumdog Millionaire. Hindi nagtipid ang pelikula sa pagpapakita ng kondisyon ng pamumuhay ng mga tao. Hindi static ang depiksyon sa kahirap- patuloy na umiinog ang mundo, at nagsi-laki ang mga batang hinahabol ng mga bantay ng airport kapag naglalaro sila sa malawak na paliparan nito.

Ang binatang si Malik sa "Who Wants to Be a Millionaire?"

Ang binatang si Malik sa "Who Wants to Be a Millionaire?"

Naging kalahok si Jamal Malik sa Who Wants to Be a Millionaire?, at tama ang lahat ng mga sagot niya. Bago tumungtong sa mga tanong na milyun-milyon na ang kapalit ay pinadukot siya dahil sa suspetsang siya ay nandadaya sa mga tanong. Dito na nagsimula ang naratibo ng buhay ng magkapatid na Malik, at ang kwento na rin ng buong komunidad na biktima ng religious riots, kawalan ng matinong palikuran, tubig, kuryente at kung anu-ano pang mga bagay na hindi natin napapansin.

Subalternity

May kailangan tayong malinawan tungkol sa mga pelikula na ang sabjek ay kahirapan. Walang ibang paraan para maintindihan ang tunay na kahirapan. Kailangan mo muna itong maranasan. Ang kondisyon ng kasalatan, kawalan ng pag-asa, tag-hirap, lahat ng ito ay maiintindihan lamang sa immersion. Bahala na ang tao kung paano magagawa ang immersion na ito; ngunit para sa mga manunulat, kritik, poeta at iba pang taong nasa larangan ng paglikha ay pagkain ito para sa isip at kaluluwa. Kailangan bumaba mula sa tore ng kasaganahan, kung nagnanais na maintindihan ang isang malawak na problema ng ating mga sariling kababayan.

Ang konsepto ng subalternity ay orihinal na ginamit ni Karl Marx. Ang isang commentator ni Karl Marx ay muli, si Gayatri Chakravorty Spivak. Ang popular na linya mula sa kanyang essay ay, “The subaltern cannot speak.”Ang subaltern ay ang mga uri sa lipunan na walang kapital, walang kapangyarihang politikal, at walang makain. Sa lalim ng problema na ito ay hindi maaaring tanggapin na lamang natin ang kung ano man ang sabihin ng ilang tao tungkol sa kahirapan- kailangan tumungo tayo mismo sa lugar ng problema at mag-isip tayo para sa ating mga sarili. Hindi madali, ngunit hindi imposible na makita kung saan nagmumula ang kawalan ng trabaho ng mga tao, atbp. Makikita yan sa paghahambing sa constitution ng dalawang bansa, ang Pilipinas at Cuba.

Ano ang sinasabi ng Constitution ng Pilipinas?

STATE POLICIES

Section 9. The State shall promote a just and dynamic social order that will ensure the prosperity and independence of the nation and free the people from poverty through policies that provide adequate social services, promote full employment, a rising standard of living, and an improved quality of life for all.

Section 10. The State shall promote social justice in all phases of national development.

Mga magulang ng mga desaparecidos

Mga magulang ng mga desaparecidos

Section 11. The State values the dignity of every human person and guarantees full respect for human rights.

Section 12. The State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution.

Section 13. The State recognizes the vital role of the youth in nation-building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectual, and social well-being..

Section 14. The State recognizes the role of women in nation-building, and shall ensure the fundamental equality before the law of women and men.

Halina kayo, sa masagang mga health center na pinamumudmod sa mga kabayanan. May building, wala namang gamit, gamot. Kung meron man dapat, nanakaw na ng mga dapat responsable sa pamimigay nito sa mga pamilyang nangangailangan.

Halina kayo, sa masaganang mga health center na pinamumudmod sa mga kabayanan. May building, wala namang gamit, gamot. Kung meron man dapat, nanakaw na ng mga dapat responsable sa pamimigay nito sa mga pamilyang nangangailangan.

Section 15. The State shall protect and promote the right to health of the people and instill health consciousness among them.

paano na ang ating magigiting na mga student nurses, na inabot na world financial crisis? Mababa na ang demand sa mga nagtapos ng kurso nila.

paano na ang ating magigiting na mga student nurses, na inabot na world financial crisis? Mababa na ang demand sa mga nagtapos ng kurso nila.

Section 17. The State shall give priority to education, science and technology, arts, culture, and sports to foster patriotism and nationalism, accelerate social progress, and promote total human liberation and development.

Ito naman ang Constitution sa Cuba:

ARTICLE 9. The state:

a) carries out the will of the working people and

– channels the efforts of the nation in the construction of socialism;

– maintains and defends the integrity and the sovereignty of the country;

guarantees the liberty and the full dignity of man, the enjoyment of his rights, the exercise and fulfillment of his duties and the integral development of his personality;

consolidates the ideology and the rules of living together and of conduct proper of a society free from the exploitation of man by man;

– protects the constructive work of the people and the property and riches of the socialist nation;

– directs in a planned way the national economy;

– assures the educational, scientific, technical and cultural progress of the country;

b) as the power of the people and for the people, guarantees

that every man or woman, who is able to work, have the opportunity to have a job with which to contribute to the good of society and to the satisfaction of individual needs;

– that no disabled person be left without adequate mean of subsistence;

– that no sick person be left without medical care;

– that no child be left without schooling, food and clothing;

– that no young person be left without the opportunity to study;

– that no one be left without access to studies, culture and sports;

c) works to achieve that no family be left without a comfortable place to live.

Madaling makita na hindi alam ng dapat nag-iimplement ng Constitution ang Constitution mismo. Kumbaga, suggestion lang ang Constitution, at hindi necessarily kailangan sundin. Mula sa mga datos na ito, makikita natin ang laki ng problema ng estado sa Pilipinas. At ang laki ng problema ng mga subaltern class formations.

Itinuloy ni Spivak ang sinabi ni Marx: “The subaltern can actually speak- but they cannot be heard.”

Kayganda ng mga kulay….

tayo nang magsayaw sa estasyon ng tren

tayo nang magsayaw sa estasyon ng tren

Maganda ang cinematography ng pelikulang Slumdog Millionaire; at kahit ang isang bata ay nahulog sa isang pool ng ebs, nagagawa pa rin nitong katawa-tawa. Tulad ng mga maraming produkto ng neoliberal na ideyolohiya, maraming gimmick ang pelikula na ito upang mahatak ang lahat ng uri ng manonood. Sa huli ang mensahe pa rin ay “magmahal, mabuhay, kahit sa gitna ng kasuklam-suklam na kahirapan dahil may pag-asa kang biglang maging milyonaryo!”

Ang baluktot na lohika na ito ay parating umiiwas sa tunay na mukha ng kahirapan. Iba-iba ang treatment ng mga manlilikha sa iisang object. Mabuti sana kung maawa ang manonood- pero pundamental sa eksperimentong ito na hindi nakakaramdam ang manonood (amoy, lasa, init/lamig) kahit na nakahain na ang mga masalimuot na elemento ng mga tauhang namumuhay sa gitna ng kahirapan. Hindi pa natin alam ang kahirapan sa pagtingin pa lamang sa pelikula. Hindi kahirapan ang nasa pelikula, ngunit isang version lamang nito na ginastusan, inayusan at hiningan ng approval sa maraming tao. Sa dalas na ipakita ang mga slums ay nagiging natural na lamang ito- at tila isang panaginip na rin ang pagkakaroon ng raket sa Taj Majal.

Ano nga ba ang lumalabas sa kwentong ito?

Pulis: "Bakit mo alam ang mga sagot sa mga tanong?"

Pulis: "Bakit mo alam ang mga sagot sa mga tanong?"


Kung susumahin, kung may isang event lamang na hindi nangyari sa bidang tauhan, hindi niya masasagot ang isang tanong. Ibig sabihin kaya nito ay dapat lang na manatili ang mga tao sa ganitong pamumuhay dahil baka hindi sila yumaman bigla sa hinaharap? Akumulasyon ng karanasan ang punto ng pelikula; akumulasyon bilang intelektwal na kapital para sa Who Wants to Be a Millionaire? Mukhang ganoon na nga ang nangyari- pero dahil dito ay nana-nullify ang gutom at kamatayan. Kumbaga, bawat sakripisyo sa buhay ng bata ay nabayaran na. Kumbaga- hindi ka kumain ng tama noon? Muntik ka nang mapatay? Eto ang 20 million rupee!

Naalala ko tuloy ang isang joke tungkol sa kayamanan ng mga Marcos noon- kapag daw nahanap na ay hahatiin ang kayamanan at ipamimigay sa mga Pilipino.

Naghihintay pa rin ang marami sa biyaya ng Lotto, Game Ka Na Ba at ang pera mula kila Tito, Vic & Joey.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: