para kay mang Jun

February 26, 2009

si Jun Cruz Reyes, manunulat, intelektwal, kabarkada, karamay sa pamumuhay sa isang lipunang galit sa intelektwal at sa mga manunulat

si Jun Cruz Reyes, manunulat, intelektwal, kabarkada, karamay sa pamumuhay sa isang lipunang galit sa intelektwal at sa mga manunulat

Sa Unibersidad ng Pilipinas, maraming iba’t ibang uri ng titser- may mga tatahi-tahimik pero kapag nagsalita ay mabibigla ka na lang sa galing, may mga sobrang ingay pero wala naman talagang sinasabi, at merong ilan na tahimik, walang sinasabi, ngunit maraming mga alagad at napaka-maimpluwensya. Si Jun Cruz Reyes ay hindi kasama sa mga hanay ng mga akademiko na ito.

Una sa lahat, ayaw ni sir Jun na tinatawag siyang isang akademiko. Gusto niya, manunulat. “Para akong si Chomsky, Marius. Eclectic. Hindi ko sinasabing ako ay Marxist o kung ano pa man. I’m just very curious!” Tinuturing na ama sa literatura, pagsulat at sa buhay, si Jun Cruz Reyes ay isa sa mga nalalabing mga magagaling na manunulat na may pakialam pa rin sa kabataan. Marami sa mga kapanahunan niya ay madalas masyadong abala sa pagpunta sa kung anu-anong mga kumperensya at mga social events. Si mang Jun naman, madalas makikita na kasama ng mga batang manunulat- nagbibiro, nagagalit, nangungulit, nang-aalaska. Bukod sa lahat ng ito, nagtuturo. Madalas siyang makikita rin na may dalang malaking sketching board, at ang pampalipas niya ng oras ay paglikha ng mga artwork na hindi madaling magagap ng kaisipan kung ano ba ang mga posibleng ibig-sabihin. Pero ganun talaga si mang Jun- madalas naiintindihan mo na talaga ang sinasabi niya kapag nakita mong hindi iisa ang sagot sa lahat ng bagay.

Sa mga batang manunulat, siya ang tulay sa pagiging mahusay na manunulat, na may sinasabi. May dalawang klase kasi ng manunulat sa Pilipinas: ang may sinasabi, at walang sinasabi. Maaaring may mga akademikong nakapagsulat na ng mahigit sa 50 na libro, pero wala pa rin namang sinasabi. Sa hanay ng mga fictionist sa Pilipinas, si mang Jun ang isa sa mga pinaka-rigorous sa paghahagilap- research sa jargon ng akademya. Pero ang isang pinagkakaiba niya sa marami ay parating nakatali sa mapanlikhang imahinasyon ang lahat ng bagay- kasaysayan man o politika, o di kaya naman ay ekonomiya.

Nakilala ko si mang Jun sa madalas kong pag-upo sa tapat ng Faculty Center sa may CAL (College of Arts & Letters). Hindi ko naman talaga siya kilala noon, dahil sa departamento ko mayroong eksklusibismo maging sa mga pagbabasa ng ibang mga manunulat. May dominasyon ng Ingles kasi; kaya ang mga nagsusulat sa Pilipino madalas hindi naman na pinapansin. Malungkot isipin dahil mas magaling pa sa teorya at pagbasa sa literatura si mang Jun kaysa sa mga titser na nakasalimuha ko sa department. May isa pa akong titser dati na nangongopya lang sa Internet ng mga sinasabi niya sa klase.

Ordinaryo na kay mang Jun ang pagiging suplado, lalo na sa mga batang nasa mga kursong Creative Writing at Malikhaing Pagsulat sa Pilipino. Suplado rin siya sa mga aktibistang kabataan- pero may dahilan ang pagiging suplado na ito. Dati ay sinabi niya sa isang estudyanteng 2nd year sa MP: “Nagbabasa ka ba? Hinde? Pwes, hindi ka magiging writer.” Ang napagsabihan niya nito ay hindi niya kilala, at malamang dahil nga hindi nagbabasa yung bata ay hindi rin siya kilala. Pero klaro ang mensahe- wala kang isusulat kung hindi ka marunong magbasa at magisip. Hindi biro-biro ang pagsusulat; isa ito sa pinakamahirap na mga disiplina sa kasaysayan ng sibilisasyon. Kung nakakatawa ang mga Greek noon dahil sinasabi nilang siyam na taon mong pag-isipan ang isang tula bago mo ito isulat muli, si mang Jun ay labindalawang taon in the making ang kanyang nobelang Tutubi, Tutubi, ‘Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe. Mabait ang taong ito; sinamahan pa niya akong bumili ng nobela niya na ito, at nang papirmahan ko, sabi niya: Marius, Barkada ngayon, titser ko bukas, baka boss pa balang araw- Jun Cruz Reyes

Salamat mang Jun, sa lahat ng itinuro niyo sa aming lahat.

5 Responses to “para kay mang Jun”

  1. E.P said

    hehe. basta wag ka lang makikipaglaro ng tong-its sa kanya. at kung mayaya ka nga nya, wag kayo kakagat sa psy-war nya. hehe.

    anu latest project nya (parang artista lang noh? ikaw ba yan tado?)? tagal ko na rin inaantay yung amado, naging dula na nga raw yung isang chapter kay atang eh.

    • culturalcritic said

      may ilang nobela siya in the works. yung Am Amado: Ang Paghahanap sa Nawawalang Epiko ng Katagalugan ay matagal na niyang tapos.

  2. E.P said

    hehe. tagal ko na palang outdated. pyschoanalisis dibuho nya dun, hindi ba? may scanned copy ka? (in short, send mo na kung meron. hehe)

  3. napadaan lang. naghahanap ng mga nakakakilala sa kanya.naisipang din lang magkomento. naging prof ko kasi siya. di ko alam na manunulat siya nung una. nang maikwento niya lang sa klase iyong Etsa-puwera, saka ko lamang nalaman na manunulat siya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: