Torrent, Edukasyon at ang Neoliberalismong Pumupuksa Rito

March 11, 2009

Nitong mga nakakaraang mga araw ay mas naging interisado ako sa pag-iipon ng mga librong pinamimigay ng mga tao sa Internet. Tulad ng maraming iskolar sa mahirap na bansa, masaya ako at may ilang mga taong pagpapaguran pa ang pagu-upload ng mga materyales na ito sa Internet. Bukod sa mga restriksyon na malamang ay ginagawan pa ng paraan ng marami sa mga ito (lalo na yung mga nanggaling sa Britanya, Estados Unidos at iba pang mga lugar sa mundo na malakas ang mga batas sa copyright at anti-piracy) ay isang uri rin ng pag-ibig ang ibinibigay ng mga taong ito. Pag-ibig sa kaalaman at kritikal na pag-iisip, na humuhubog sa mga indibidwal, upang maging handa sila sa kolektibong aksyon. Mula sa watak-watak at industriyalisadong mga nasyon ang mga taong nagpapalaganap ng mga libreng libro sa Internet. Madalas, may mga sulat pa ang mga taong nag-rip, nag-transcribe o nangopya ng mga materyales. Luma na ang iba, may mga galing pa noong taong 1992. Ang mensahe madalas ng taong ito?

Libre dapat ang kaalaman.

May kaibigan akong propesor sa Unibersidad, siya ang katangi-tanging Pilipino na nag-aral ng kanyang post-doctoral sa Max Planck Institute sa Alemanya. Ang taong ito, buong buhay ay ginugol sa pag-aaral, at sakop ng kanyang kaalaman hindi lamang ang simpleng pisika at kemika, ngunit malalawak at komplikadong mga larangan pa sa geophysics, at iba pa. Sa dami ng karanasan ng tao na ito, ay napagtanto rin niya ang isang bagay, sa gitna ng kanyang pagtuturo sa Estados Unidos, Australya at sa iba pang mga industriyalisadong bansa: libre dapat ang pag-aaral, at higit sa lahat, libre dapat ang kaalaman.

Bilang isang miyembro ng isang bansang nagpapakita ng galit o kung hindi naman ay malalang pag-iwas sa karunungang mapagpalaya, masasabing malayo pa ang ilang adhikain ng mga progresibo, tulad ng libre o tunay na murang pag-aaral, atbp. Ngunit hindi ito dahilan upang abandonahin ang mga adhikain. Hindi purkit mahirap ay imposible. Dapat nating tandaan na ang mga simpleng aktibidades ngayon, tulad ng pagboto ay tila imposible noong unang panahon. Ang pagtatrabaho at pag-unlad ng kaisipan ng kababaihan ay parang imposible rin noon dahil sa dominasyon ng mga patriyarkal na institusyon, ngunit ngayon ay nagagawan na ng paraan upang hindi na ito mangyari ulit. May boses na ang kababaihang progresibong aktibong nakakisama sa mga kilusang naglalayong basagin ang katahimikan ng konformismo at pasibong pagsunod sa tradisyong baog sa karunungan at pagpapahalaga sa tao.

Ang doktrina ng neoliberalismo ang pangunahing dahilan kung bakit naging malala ang pagiging bulok ng sistemang edukasyon sa Pilipinas. Simple lang naman ang dahilan kung bakit lason ang neoliberalismo sa anumang bansa, lalung-lalo na sa mga bansang walang industriya: dahil walang pagpapahalaga sa kolektibong epekto ng libreng edukasyon, kanya-kanya ang mga tao sa paghahanap ng ganansya. Sa huli, nagiging mga alipin lamang ng mga kumpanyang matagal nang humihita sa bansa ang mga gradweyt ng kolehiyo. Kung hindi naman ay nagsisilipad ang marami, para buhayin ang sarli, ang pamilya at ang pangarap na magkapera ng marami. Ngunit kung susuriin natin ng maigi, kung babasagin lamang natin ang neoliberal na mga patakaran sa edukasyon at sa mga pampublikong serbisyo ay hindi na kailangang umalis pa ng mga propesyunal, tulad ng mga mananaliksik sa siyensya, mga gurong mahuhusay sa kanilang ginagawa at maging ang mga nars na tunay namang buto ng lahat ng institusyong medikal. Kailangang tulungan ang sarili, ngunit mas maigi kung tulungan natin ang isa’t isa- at magagawa ito kung tutulungan natin ang bansa.

Bakit ang Brazil ay nakakaranas ng kasaganahan sa gitna ng recession? Simple lang din ang sagot dito- dahil sa regulasyon ng komersyo at industriya at dahil sa libreng pag-aaral. Bahala na kayong magconnect the dots sa puntong ito.

6 Responses to “Torrent, Edukasyon at ang Neoliberalismong Pumupuksa Rito”

  1. E.P. said

    panalo! tunay ngang nagnanaknak ang neoliberalismo sa dimensyong pulitikal (silabus), pang-ekonomiya (komersalisasyon) at kultural (academic freedom eklat) ng edukasyon. tama ka rin, ang bangis rin kasi ng istratehiyang neoliberal ay ang kakayahan nitong magbenta ng mga perspektibang nakatuon sa pansariling kagalingan.

    tingin ko sa mga nagdaramot ng kaalaman, takot na magkaroon ng kumpetensya, paradoksikal dahil pinamamayani nga nila ang kumpetisyon di ba? takot na may magtanong, o makwestyun kaya kung may inaangklaan nga bang matibay ang itinuturo, o baka ayaw maagawan ng mga panatikong sumasamba sa kanya at ‘karunungang’ dala nya.

    mapalad ako’t nakilala kita, di ka tulad ng mga nasa itaas.

    o sya, sendan mo nako ng e-books. hehe.

  2. culturalcritic said

    yung mga nasa “itaas” hindi nagbabasa. ako nagbabasa, nag-aaral. hehe.

    anyway, ang kompetisyon ay basic sa isang bansang neoliberal. dahil ang kakampi mo lang ang sarili mo, at lahat ay potensyal na kaaway at pwedeng umagaw sa kabuhayan ay talagang akma ito sa ideyolohiyang naglalayon sa mas malawak na privatization ng industriya, komersiyo at edukasyon.

    bakit masama ang neoliberal na indibidwalismo?

    una, hindi ito NATURAL na ATIN. Hindi totoong ito ang progresibong tradisyon na nagtulak para mabuo ang modernong panahon. sa totoo lang, nang magsama-sama lang ang mga burghers kaya nagkaroon ng mga burgis, na naging mga capitalist producers.

    ano ang dinudulot nito sa teoretikal na lebel (na abstraksyon ng realidad)? Sabi ni Bourdieu, nagkakaroon ng ATOMIZATION ng mga manggagawa. Sino ba ang mga manggagawa? Bukod sa mga tradisyunal na mga worker sa assembly line ay tayong LAHAT ay nagiging manggagawa sa panahon ng FLEXIBLE PRODUCTION.

    Ngayon, kapag ang mga manggagawa ay ATOMIZED (indibidwal at hindi critical mass), madaling puksain ang mga ito. Madaling apihin, madaling bawasan ng sweldo o kaya ay patalsikin. Nawawalan ng agency ang mga tao PRECISELY dahil wala nang mga kolektibong struktura.

  3. Kontras said

    this is a contradtiction at the very heart of capitalism, not just what we call neoliberalism, no? knowledge and production (and the production of knowledge) becoming increasingly social but its appropriation remaining or becoming acutely more private. knowledge is a social product but, as a product, like literal commodities, one that has become fragmented into various specialized and autonomous spheres or production and consumption, might I say, which is really the hallmark of the modern era, and class society in general. so we have knowledge consigned in laboratories, university classrooms, bureaucratic desks, art galleries and corporate cubicles. and their production and appropriation take place in enclosed fields and follow self perpetuating circuits. and then you have what of it trickles down to the rest, or mass culture, which does not exactly trickle down, but is not democratic and egalitarian either. neoliberal hegemony intensifies this privatization and division… division between classes, between those who ‘succeed’ and the losers/moochers. but it also sort of erodes division between autonomous fields because of an encroaching market logic. all fields tend to submit to the centripetal pull of a free-market/exchange logic. it is tempting to draw a diagram at this point. so the university loses its independence or what was misrecognized as that. it loses ‘intellectual independence’. it literally loses its intellectuals. its long-percieved role as an equalizer is also lost as market transactions dominate it, everyone is forced to buy their inclusion to the field. and the university itself has to engage in it to scratch out its existence. it is shamed, walks around holding a tin can before call centers and real estate developers.

    • culturalcritic said

      Interesting points there, Kontras, it seems that you’ve managed to cover the social field quite adequately. The point you raised regarding the intensification between the division of social classes has also been problematic for ‘modern’ or ‘post’ Marxists such as Adorno or Marcuse. You see, it appears that in the end, the class divisions in society exist only as barometers of how much capital can be acquired; or how many commodities one can buy. The way things are going, the neoliberal doctrine makes it appear that there is an ‘equal’ claim on all things nice and nurturing, if only one could buy things. The logic of primitive accumulation (which was already evident even during the Victorian era (see C. Caudwell’s critique of Shakespeare and his patrons) ) stands out as the a priori structure of reason, without question. Now, it must be clarified that another damaging consequence of privatization which is not usually seen immediately is the intensification of DEPENDENCE of national bourgeosies and transnational bourgeoisies on the bulk of humanity. This dependence has effects on all fields of production, even in the literary and artistic fields. The hierarchies or indices of commercial success evolve due to the changing demands of the higher classes, which also mutates the amount and type of labour required from the workers. And in the era of flexible production, everyone is put into a flexible circuitry of capital and labour. Remain in the circuit, or die of hunger. Co-optation is becoming more and more inescapable.

  4. Kontras said

    sorry, you lost me with the reference to adorno. were you expressing disagreement? anyway, true, “neoliberalism” is a generalization of the logic of accumulation and, underpinning it, the large-scale reproduction of its social condition of possibility which is really the dispossession of more and more people and the reconcentration of social wealth into fewer hands. the english enclosures part 2. we see the logic of exchange colonize spheres previously deemed untouchable, like social security, education, health services, and perhaps “art” or artistic/cultural production? – and in conjunction to that we have what you pointed out as the atomization of subjects, subjects stripped of their collective entitlements and affinities, reduced to a bare existence, and who imagine the social (and the good life) increasingly in the idiom of market processes performed by self-present market actors in a “flat” (a la tom friedman) world. of course this flatness (the logic of equivalence or the relations between commodities) is predicated on a basic asymmetry (property/surplus-extraction relations) and its reproduction.

  5. culturalcritic said

    well said. :)no, i wasn’t disagreeing, just pointing out some things.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: