Lumang Konsepto, Mga Bagong Tiga-pagtaguyod

June 17, 2009

Nakakalungkot isipin na may mga estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas na nagtatanggol sa tuition fee hike ng mga nakaraang taon. Hindi rin mapapagakaila na ang marami sa mga nagtatanggol sa hike ay nagmumula sa ilang mga kolehiyong kilala sa pagsuporta sa mga maling desisyon ng administrasyon, pang-bansa man o sa loob lang ng unibersidad. Nakakatakot isipin na mismo sa loob ng unibersidad ay maraming mga matatandang mga propesor ang patuloy na nagtuturo ng kabalbalan at kabulukan; at ang mga estudyante na wala namang ibang alam ay maniniwala naman. May mga estudyanteng tunay na naniniwalang ang tinatawag na deficit ng unibersidad ay masosolusyonan ng pagtataas ng tuition hike. Matapos nilang sabihin at ulitin ang mga pinang-brainwash sa kanila ng mga propesor nila ay wala rin naman silang maisagot sa simpleng tanong na: nagkatotoo ba ang mga sinabi ng mga propesor mo? May malaki tayong problema pagdating sa uri ng impormasyon at pagiisip na nagiging ordinaryo na sa Unibersidad na inaasahang ipaglalaban ang karapatan ng lahat na makapag-aral. Alam ko, isa lamang ito ideyalismong bunga marahil ng oposisyonal na kaisipang itinuring ko nang malaking bahagi ng kung sino ako at kung ano ang nais kong gawin sa hinaharap. Ideyalismo sa mata ng marami, ngunit isang potensyal na realidad na maaaring makamit kung magsasama-sama ang pwersa ng masa at maging ang peti-burgesya. Mahirap man isipin, ngunit darating din tayo sa puntong maging ang mga peti-burgesyang pamilya ay pahihirapan na rin ng husto ng kapital. May mga estudyanteng nagrereklamo sa bracketing sa tuition fees sa Unibersidad; ang isa pang nakausap ko ay mula sa bracket A (ibig sabihin ay kumikita ng isang milyon pataas ang pamilya niya). Sa ordinaryong araw ay wala na akong pakialam sa taong ito kung singilin man siya ng 120,000 kada semestre. Ngunit mayroon din siyang hinanakit: marami silang magkakapatid na pinipilit tapusin ang kaniya-kaniyang karera. Alam ko kung gaano kahirap magtapos ng isang karera sa kolehiyo; hanggang ngayon nandito pa rin ako dahil sa linsyak na General Education program na yan. Ano ba ang dapat gawin? Madaling isipin ang solusyon ngunit napakahirap ng implementasyon. Tulad ng parati kong sinasabi sa mga drayber ng jeep, mga tindero at iba pang mga nakakasalimuha ko sa araw-araw, “kung walang mahihita, walang kikilos”. Sa kanayunan, maraming kumikilos dahil wala nang natira: ninakaw na ng ilang pamilya. Sa mga siyudad, mahirap sabihin na ang mga hindi kumikilos ay walang interes. Mayroong interes, ngunit hindi alam kung anong direksyon nga ba. May ilan na sa halip na tumulong sa siyentipiko at malawakang pagbubuwag ng kabulukan ng lipunan ay tumutulong pa sa mga naninira dito. Wala silang pinag-iba sa mga lokal na lider na walang inatupag kundi ang interes ng pamilya nila. Bigasang bayan? Hindi. Bigasan ang bayan. Sa mga estudyanteng nagtataguyod ng hike at patuloy na sumusuporta rito, isa lang ang masasabi ko sa inyo: Sana habambuhay kayo sa bracket A at hindi na sana kayo magkagradweyt! Mga panget!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: