Siya


Siya’y napapagal na sa paghihintay.

Sa mahaba-habang paglalakbay
kung saan ang daa’y paahon,
paliko, matarik, baluktot,
katastropikong kanto por kanto,
gumigilid biglang nawawala at
lilitaw na lamang sa gitna ng
kagubatan ng kawalan.

Siya’y napapagod na sa pagninilay.

Kung kailan, paano, bakit,
Saan ba, doon ba o dito,
mga tanong na kailangang isigaw
ngunit hindi kailanma’y pinakinggan
tumatawag siya ng iyong pansin
sa gitna ng digmaan ng mga salita
kung saan ang pinakamalakas at
pinakamatigas ay di parating
pinakamalinaw o pinakamatino.

Siya’y parating naghihintay.

Hindi ko masasabi kung kanino,
sapagkat siya mismo’y hindi sigurado
kung siya nga ba o siya, tatayo na ba,
tayo na o tayo na? mga himutok ng
kabaguhan at kalumaan na patuloy
na humuhubog sa kaakuhan, kasinohan,
kaalaman at gloryang pilit pinipisil sa
bawat letrang hindi na malaman kung
saan nanggagaling.

Siya’y marunong din magutom.

Matagal niyang tiniis ang hapdi ng
di pagkakakilanlan sapagkat ito
ang kanyang nakasanayan.
Ngunit paano nga ba patuloy
na mabubuhay sa liwanag (daw)
ng kasalukuyan kung sa matagal na
panahon ay puro gutom ang naranasan?

Alam din niya kung paano masaktan.

Kung ang buhay ay isang kandila, labinlimang
kandila na ang kaniyang hinawakan, tangan
sapagkat walang ibang gustong humawak ng mga ito
para sa kanya. Isang kabalintuanan, isang
pagkakamali na isipin na siya’y diamante.
sapagkat ang diamante ay di nasasaktan.
doon ako sa mainit, buhay na gawa sa laman.

at ngayon – ngayon: sa pagmulat ng kanyang mata’y maiisip niya
na sa wakas, ito na ang simula ng aking buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s